Wednesday, December 23, 2015

"Mahiyain ka ba?"

Naalala ko one of my prospect told me, "Paano po iyan Sir mahiyain po ako ei." That one hit on my head at naitanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba may mga tao na sobrang mahiyain? Minsan ba naitanong niyo sa sarili niyo, "Bakit ako nahihiya?", "Ano ang dahilan bakit ako nahihiya?" 

Kahit sa sarili ko masasabi ko na sobra akong mahiyain halos di ako makatayo sa harap ng maraming tao. Lagi akong concious sa sarili, ok ba itong suot ko? Maayos ba ang pag mumukha ko? Habang nag sasalita ako iniisip ko baka pinagtatawanan na ako, at kung ano ano pa pero sa totoo lang nasa isip lamang natin lahat ng iyon. Meron din iba na kahit mag tanong lang kung saan ang daan mahihiya pa, ano kaya ang nakakahiya doon? Wala naman di'ba? O baka iniisip pag nagtanong ako susupladahan ako masisinghalan ako, kaya siguro nahihiya dahil nauunahan na ng isip. Kapag hindi tayo masyado mag isip ng ganun I'm sure all is well.

Here's some of the reasons na nakita ko kung bakit nagiging mahiyain ang isang tao at paano ito malalabanan.

Weak Self Image

Hindi rin kaila sa atin na kahit sa loob mismo ng tahanan natin minsan nai kukompara tayo sa mga kapatid natin at sigurado na kapag nangyari 'yon doon na mag sisimula na maging mahina ang tingin natin sa sarili.

Labeling

Iniisip natin na mahiyain tayo at mararamdaman natin psychologically na hanggang doon lang ang expectation natin. "Shy person kasi ako sabi nila, oo nga shy talaga ako..." Yun! Na label na natin ang pagkatao natin at 'yon na ang magiging mindset natin at kapag hindi mo binago 'yon madadala mo 'yun hanggang sa iyong pagtanda.

Exposure

Malaking percentage ng mga mahiyain na tao iyong laging nasa bahay at halos ayaw lumabas at hindi nakikisalamuha sa ibang tao at nagmumukmok lang sa loob ng bahay.

SIMPLE WAYS PARA MAWALA KUNG HINDI MAN AY MABAWASAN ANG PAGKA MAHIYAIN

Alamin ang mga bagay na kinahihiyaan mo. Write down in a piece of paper para malaman mo kung saan aspeto ka nahihiya. Sa kapwa lalaki o babae ba? Sa maraming tao? Dapat malaman mo kung paano siya nati trigger para next time na haharap ka sa ganung sitwasyon ay alam mo na ang gagawin mo. Unahan ang hiya at mag practice sa harap ng salamin.

Nagsisimula ito sa panahon na nag kakaisip na ang isang tao o kapag nag bibinata at nag dadalaga na. Mostly, kapag nasa high school years ka na or even nung nasa mababang paaralan ka pa lang, doon kasi natin nakikita na may mas magaling pa kaysa sa atin, na may mas maganda, na may mas pogi, na may mas maputi, na may mas matalino at kung anu ano pa at kapag iniisip mo 'yon doon ka na magsisimulang i compare ang sarili mo sa iba.

Alamin ang iyong mga strenghts. Lahat ng tao ay may kanya kanyang abilidad, may magkaka parehas pero ganun talaga malaki ang mundo. Mag focus sa strenght mo at palakasin mo pa ito. Kung tahimik kang tao at gustong mapag isa, sila iyong mga taong magaling makinig at magbigay ng advice.

Huwag matakot magkamali. Tanggapin at huwag dibdibin kung mapapahiya man, magsisilbi 'yan dahil next time alam mo na ang dapat mong gawin. Keep on practicing lang talaga.

Matutong makisalamuha, mag bar ka. Mag alok ng maiinom, ganun. Magandang praktis 'yon kaya dapat maalis o mabawasan man lang ang pagiging mahiyain natin dahil sa totoo lang wala namang mapapala sa pagiging mahiyain.

Mahirap talaga ang maging mahiyain kalaban ng sarili 'yan ei. Ang magandang gawin ay kalabanin mo rin. Mawawala din 'yan basta lagi ka lang may baon na 100% na lakas!

Eugine Logro Almano
Mobilepreneur/ Internet Marketer/ Cook

Sunday, October 25, 2015

Sari-sari Store Philippines


Napakaraming pwedeng dahilan kung bakit ang isang negosyo ay umuunlad o bumabagsak. Ang isang pinaka sikat na negosyo na makikita mo sa kahit saan mang sulok ng Pilipinas ay ang Sari-Sari Store, ito ay nangangailangan ng disiplina at atensiyon.

Ang unang rason kung bakit karamihan sa ating mga Pilipino ay pumapasok sa ganitong negosyo ay para maibigay sa pamilya ang mga pangunahing pangangailangan sa araw-araw at syempre para magkaroon na rin ng extra na pagkakakitaan. 

Pero, sa kasawiang palad karamihan sa mga sumubok ng ganitong negosyo ay halos wala pang isang taon ay nalulugi at nagsasara na. 

Here are some Pinoy Business Tips para maging matagumpay at maiwasang malugi at magsara ang isang Sari-Sari Store.



CONSIDER THE STORE AS IF IT'S NOT YOURS

Isipin mo na hindi sayo ang tindahan mo. Ibig sabihin na kapag kumukuha ka ng mga produkto mula sa tindahan mo ay dapat mo itong bayaran mula sa sarili mong pera dahil kung hindi ay para mo na ring ginagastos at unti unting inuubos ang puhunan mo kahit gaano pa ito kalaki.
10%
Hanggang 10% lang ang maaari mong kunin mula sa araw-araw mo na kita. Ang malaking pagkakamali ng karamihan ay mayroon silang fixed na amount na kinukuha everyday, ok ang sistemang ito at applicable sa mga stablishment na mabenta at consistent ang pasok ng kita sa araw-araw, pero kung hindi at kumukuha ka ng higit sa 10% o magkano ang gugustuhin mo ay malaking pagkakamali 'yan dahil ang ibig sabihin ay unti unti mo lang na inuubos ang puhunan mo. Pwede mo itong gawing sa pamamagitang ng computerize programs or manual using your calculator, taking 10% ng kita mo para maiwasang kumuha ng sobra sobra.
DO NOT OVERPRICE
Be reasonable, wag maging gahaman. Karamihan sa mga kustomer mo ay mga kapitbahay mo at malamang alam rin nila kung saan ka kumukuha ng mga paninda at kung magkano talaga  ang presyo ng mga ito, at syempre dahil na rin sa mga advertisement na napapanood sa TV na sinasabi ang SRP (Suggested Retail Price) ng bawat produkto. Dapat eksakto lang ang ipapatong mo sa iyong mga paninda at affordable naman na kayang bilhin ng mga mamimili mo. Maaari mo naman gawin na lakihan ang patong ng mga paninda mo kung medyo nasa liblib ka na lugar at malayo sa kabihasnan dahil wala na rin naman silang choice at syempre dahil na rin sa gastos mo sa transportasyon.
STOCK UP ON THE BASICS
Mag umpisa sa mga basic products at alamin kung ano ang madalas na binibili ng mga kustomers mo, kung ano ang laging hinahanap nila para magkaroon ka ng idea kung ano ang susunod mo na bibilhin at gaano kadami ang kakailanganin mo. Some of this are cigarettes, bottled drinks, canned goods, noodles, cooking aids, sachet products at snacks.
ALWAYS OPEN
Dapat laging bukas at laging alerto kung mayroong kustomer don't let them wait. Karamihan ng tao ay gustong mamili sa tindahan na kumpleto ng mga paninda pero kung lagi kang out of stocks at lagi pang sarado ang tindahan mo sooner or later wala ng bibili sa'yo dahil nawalan ka na ng kredibilidad bilang isang tindahan.
QUALITY
Wag na wag kang magbenta ng mga expired na mga produkto dahil siguradong mawawalan ka ng kustomer kapag ginawa mo iyon at syempre para na rin sa safety ng mga mamimili. Panatilihing malinis ang iyong tindahan at hindi pinamamahayan ng mga daga at insekto at walang alikabok sa iyong mga paninda.

REPACK
If you already stablished your store pwede ka na mag repack ng large amounts of items into smaller amounts tulad ng asukal, asin, mantika at iba pa. Dapat seguraduhin mo lang na malinis ang paligid bago mo gawin ito para kahit makita ng kustomers ang ginagawa mo they would still buy from you dahil nakikita nila na malinis ang lugar na ginagalawan mo.
LEARN THE SEASONS
Kapag buwan na mainit ang panahon you should invest on cool drinks and beverages na pampatid uhaw. Kapag taglamig naman ang panahon magstock na ng mga pang emergency supplies tulad ng flashlights, kandila, panluto at iba pa. Just learn the basic needs kung ano ang dapat bilhin depende sa panahon.
DON'T ALLOW CREDITS
Unless of course it is you or your immediate family and closest friends o iyong mga tao na marunong magbayad at pinagkakatiwalaan mo ang bibigyan mo ng chance para mangutang karamihan kasi mangangako lang na babayaran agad at kapag siningil mo na siya pa ang galit sayo. Ito rin ang reason na mahihirapan ka na mapunan ang mga paninda mo dahil maaring mawalan ka ng capital dahil sa mga utang.
STACK
First in, first out ilagay sa harapan ang mga naunang stocks at sa likurang bahagi ang mga bago. Observe the expiry dates para maiwasang magkaroon ng expired products.
BE KIND TO YOUR COSTUMERS
Pinaka importante sa lahat na maging mabuti ang pakikitungo sa mga mamimili. Wag mo silang pag aantayin dahil segurado hahanap sila ng ibang tindahan na may magandang serbisyo at maibibigay agad ang pangngailangan nila at kapag nangyari iyon, seguradong mawawalan ka ng mga kustomers. If you want to keep them tratuhin mo sila ng maayos. 

Follow this techniques dahil tested and proven na po ito. Keep on growing your business sa pamamagitan ng tamang disiplina at atensiyon.

I hope na may napulot kayong aral sa topic na ito and don't forget to comment and share para makatulong sa ating mga kababayan kahit papaano. 

This is Eugine Logro Almano na nagsasabi, "If you want to be successful, you must first fall in love and have passion in what you do." Until next time...

TAGS: Negosyo, Pinoy Business, Pinoy Business Ideas, Franchising Business, Franchising Philippines, Ideas For Small Business, Business In The Philippines, Franchise Business In The Philippines

Sunday, October 11, 2015

ABOUT ME


Hi my name is Eugine Logro Almano. I am a Mobilepreneur, Internet Marketer, Blogger, at isang Cook. I am the author of http://www.pinoybusinessmindedzone.com and I WELCOME you sa loob ng blog ko.

Minsan naiisip mo ba kung paano ka kikita ng extra or additional income in your spare time or sa mga oras na libre ka at walang ginagawa? Naghahanap ka ba ng mga paraan or kaalaman kung paano makapag umpisa ng sariling negosyo? You have the resources pero di ka nakakapag umpisa dahil hindi mo alam kung saan, kelan, at papaano? Kung naiisip mo ang mga ito then sasabihin ko sa'yo that you are in the right place.


I have this blog para maging gabay sa lahat ng Pinoy Internet Marketer wanna be na gustong mag umpisa ng sariling negosyo in a convenient way patungo sa FINANCIAL FREEDOM by giving valuables informations, business ideas, tips, tutorials, and techniques sa abot ng aking makakaya to help you become a better entrepreneur, internet marketer, network marketer, o kahit anong business meron ka.

I promised you na kung anuman ang matutunan ko along this journey and if ever I will acquire new knowledge I will gladly share it to you with all my heart. 

Nais ko sana na maging part ka ng journey ko and I will guide you all the way hanggang sa dumating ang time na hindi mo na kailangan kumayod at mag overtime ng sobra sobra para lang ma meet ang mga expenses mo, para magkaroon ka na ng maraming time para sa family mo, maipapasyal mo sila kahit saan mo gusto, na hindi ka na nagworry sa mga monthly bills at mga utang na 'di pa nababayaran, at hindi mo na rin kailangang makikipag siksikan  sa jeep araw araw para pumasok sa nakaka stress mong 8-12 hours na trabaho. 

Pero, kung sa tingin mo wala ako sa posisyon para pakinggan mo, then I'm sad to say that this site is not for and you can leave in peace at ituloy mo lang kung anuman ang naiisip mong gawin, but be sure to be productive at sana ay makakatulong sa'yo ang next activity na gagawin mo... Pero, kung patuloy ka pa rin sa pagbabasa ng sulat ko masasabi ko na isa ka sa mga tao na gustong magkaroon ng pagbabago, to learn new things, mga bagong kaalaman, and wanted to create an extraordinary life and I thank you for that.

Noong nag-uumpisa pa lang ako sa Business ko I struggled a lot just like you pero sabi nga, if you are willing to learn at kung gusto mong mag level up sa kung ano man ang kinalalagyan mo ngayon hahanap at hahanap ka talaga ng paraan para matuto at mag acquire ng mga bagong skills at kaalaman para ma apply mo sa buhay mo personal man 'yan, sa negosyo, o sa kung anuman ang interest mo ngayon. Sabi nga, kung gusto mo maraming paraan at kung ayaw mo madaling makakaisip ng kung anu-anong dahilan.

As a child lumaki ako sa probinsiya sa isla ng Biliran. Hindi ko naman masasabi na sobrang mahirap kami kasi kung ikokompara ko sa iba may mas hikahos pa kaysa sa pamilya ko, may kaunting lupang sinasaka, may maliit na palayan, may mga alagang kalabaw na naibebenta agad kapag nangangailangan ng medyo malaking halaga in short nakakaraos naman kahit papaano, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at naibibigay naman ng mga magulang ko ang mga basic na pangangailangan sa araw araw. 

Sa probinsiya walang problema sa pagkain magtanim ka lang ng kung anu ano sa bakuran mo mabubuhay na ang pamilya mo ang mahirap talaga ang source of income, kumikita man ang mga magulang ko ay sapat lang sa mga pangangailangan sa araw araw sa at pambaon sa eskwela, dahil nga sa kakulangan sa pera kahit sa mg field trip di ako nakakasama pero ok lang naman kasi naiintindihan ko at alam ko naman na ginagawa nila ang lahat to provide. 

Nag aaral ako limang piso lang ang baon ko araw araw back in 1997 minsan tatlong piso minsan wala nga. Mag baon lang ng kanin at ulam ayos na 'yan! Naglalakad ng lagpas 5 kilometers mula sa bahay namin papuntang eskwelahan dahil ang lagi sinasabi ng mga magulang natin na iyan lang ang kanilang maipamamana sa mga anak ang edukasyon. Sa kabila ng hirap ng mga magulang ko deserve nila ang maibalik sa kanila ang mga pagsisikap nila and I study hard and recognized with honors naman sa school. At dama ko ang kaligayahan at pagiging proud nila everytime na aakyat sila sa stage para magsabit ng medalya.

Nung nasa high school na ako I started to dream for my future, I wanted to be an Electronics Technician mahilig kasi ako magkalikot ng mga gamit sa bahay mostly electronics. My Tito na kapatid ng Nanay ko ay OFW sa Saudi at nagpadala siya ng mga gamit galing ibang bansa TV, Stereo, Keyboards it our first n magkaroon ng gamit na nahahawakan namin at na ooperate kasi mula pagkabata ko until 1999 ay nakikinuod lang sa mga kapitbahay namin, sumisilip lang sa bintana at most of the time nakikinig lang sa radyo ng drama at balita.

That time nung nagkaroon na ng mga electronics sa bahay ng lola namin doon ko rin naranasan na pagdamutan ng gamit ng mga tiyahin ko, pagsasabihan ka ng di magagandang salita, tinataboy ka at di pinapahawak sa mga gamit dahil baka masira syempre bilang bata curious talaga ako at gustong humawak at magkalikot. 'Yun ang naging inpirasyon ko talaga para magsikap at magkaroon ng dream na makapunta sa Saudi, makapag trabaho, at makabili ng mga gamit na mas higit pa sa meron sila ngayon.

Hindi ako nakapag tapos ng college hanggang first year lang ako ng kursong Electronics Technician when I stop college nagtrabaho agad ako as Merchandiser sa isang mall sa Naga City sa Bicol. Ang hirap pala malayo ng first time sa pamilya kasi nag iisa ka na lang na haharap sa hamon ng buhay, kapag nagugutom ka walang nagluluto para sa'yo, walang naglalaba para sa'yo, at walang nag aalaga kapag may sakit ka. Eventually, habang tumatagal nasanay na rin ako to live on my own. I work as janitor sa isang Employment Agency somewhere in Ermita but I never give up on my dream nag working student ako, trabaho sa umaga, aral sa gabi and I tried to work double dishwasher din after my school pero hindi ko nakaya dahil sa pagod. After that naging Kitchen Crew ako sa isang Italian Resto sa Alabang sa tulong ng Tito ko Chef Boy Logro and I worked hard para hindi naman siya mapahiya sa pag endorse sa akin and with the support of co-workers I got lots of awards from the company at naging regular pa ako.

I am living now with my girlfriend for almost two years we're happy, mahirap pero nakakaraos din naman. Pero sa buhay natin may mga pagsubok talaga na dumarating my father was diagnosed with stage 4 liver cancer at sobrang hirap sa kalooban na gustong mong tulungan ang tatay mo para gumaling pero wala kang magawa gusto ko dalhin sa magandang hospital pero hindi pwede dahil wala kaming pera, I am hopeless at namatay ang tatay ko na hindi ko man lang naibigay o naiparamadam sa kanya ang ginhawa sa buhay. Iyon ang malaking regrets ko sa buhay na kung sana gumawa na agad ako ng paraan para guminhawa ang buhay kahit papaano sana ginawa ko ng maaga. Nabuhay ulit ang pangarap ko na makapag trabaho sa ibang bansa and with God's grace natupad 'yon hindi na lamang sa pangarap ko na magkaroon ng mga magagandang gamit but for my Nanay and Sister para di na nila maranasan ang mawalan at maghirap financially. Nakapag pundar na rin ako kahit papaano lupa, bahay, sasakyan and some business.


Pero, ayokong huminto sa ganun na lang ayokong magtrabaho habang buhay at gusto ko  na maranasan ang  FINANCIAL FREEDOM at makasama na ang pamilya ko kaya I started Internet Marketing at masasabi ko totoo pala na may pera sa internet kailangan mo lang malaman ang mga sekreto kung paano kumita gamit lang ang laptop at internet. Aaminin ko sa umpisa mahirap talaga kasi dadaan ka sa learning curve, marami ka dapat pag aralan, minsan malilito ka at minsan magkakamali ka pero if you are willing and you're in love at andun ang passion mo in what you do kayang kaya! Napaka fullfilling ng REWARD kung alam mong pinaghihirapan mo ang isang bagay.

What I did is, I started looking for answers and solutions by reading books and gathering informations using the modern technology we called it INTERNET, sa paghahanap ko I discovered strategies, mga tips, techniques at kung anu ano pa that I am going to share with you in this blog. 

Gusto ko din ishare sa'yo ang isang eBook na may title na Rich Dad, Poor Dad na naging eye opener ko what to acquire in life and have a financial letiracy. Kailangang kailangan mong mabasa ang libro na 'to and I'll promise you hindi ka magsisisi at baka masabi mo pa sa sarili mo na "Bakit ngayon ko lang nabasa 'to." Click HERE to watch the video and download the eBook.


Ngayon kung handa ka na matuto kung paano ang right strategies at magandang diskarte para mas maging effective ang Internet Marketing or Network Marketing Business mo, go ahead ang download the first FREE eBook it's called Internet Marketing 101 "The 3 Most Important Tools" by yours truly. Simply register your name and email-add at the right top side of this blog to download the file. Thank you and Godbless you... 


Tags: Negosyo, Pinoy Business, Pinoy Business Ideas, Franchising Business, Franchising Philippines, Ideas For Small Business, Business In The Philippines, Franchise Business In The Philippines